Martes, Setyembre 29, 2015

DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA


Alinsunod sa katangiang taglay ng bansang Pilipinas na kung saan ito ay mayroong tatlong naglalakihang kapuluan – Luzon, Visayas at Mindanao – mahihinuha na ang mga lugar na nasasakupan ng bawat pulo ay may kanya-kanya ring kultura, paniniwala at wika. Ngunit, ang mga wikang ito ang nagpapalawak sa dating maliit na agwat ng mamamayang Pilipino. Kaugnay nito, ang dayalektong kanilang kinalakhan ay lubhang kaiba kung ikukumpara sa tanan na nagresulta sa isang lipunan na minsan ay hindi magkaunawaan. Ganunpaman, ang wika rin ang siyang nagbuklod sa mga dayalektong kanilang ginagamit sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang wika na mauunawaan ng lahat – wikang tagalog. Dahil dito, wikang tagalog ang siyang gumawa ng isang tuwid na daan upang bigyan ng pagkakataon ang iba’t ibang tribo ng bansa sa pakikipag-ugnayan o pakikipagtalastasan sa bawat isa. Dagdag pa rito, waring ang wikang ito ang naging rason nang sa ganoon ay maging pantay ang pagtingin ng bawat Pilipino sa kapwa Pilipino upang magkaroon ng pagkakaisa na noon pa ay kanilang inaasam. Sa kabilang banda, ang wikang tagalog ang isa sa mga bagay na nagtutulak sa mga tao ng bansang Pilipinas at nag-sisindi ng apoy sa kanilang mga puso upang kanilang ipagmalaki na sila ay tunay na mga Pilipino. Samakatuwid, ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nananaig ang respeto at pang-unawa ng bawat mamamayan sa kung anong katangian ang taglay ng bawat  tribo o pangkat ng mga tao.



Lunes, Setyembre 14, 2015

Dayalektong Bukod Bukod, Pinagisa ng Wikang Tagalog

DAYALEKTONG BUKOD BUKOD, PINAGISA NG WIKANG TAGALOG

Christine Mae F. Fabic

Samantha T. Tan

Bernard Paul L. Bala

Trisha Sammae A. Villasin

H2A

PAPANIMULA/KALIGIRAN

     Ano nga ba ang wika? Bakit natin ito dapat pahalagahan?
Pilipinas..?  Maliit na bansa kung ikukumpara sa iba, ito ay nahahati sa 3 pulo ang Luzon, Visayas at Mindanao, sa ibat ibang lugar sa bawat pulo mayroon tayong ibat ibang dayalekto, Sa bawat probinsya may dayalekto na ginagamit sa partikular na lugar.
                                   
    Bago pa man tayo nagkaroon ng wikang  Tagalog, ay mayroon na tayong sari-sariling mga dialekto na ginagamit. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, maraming kultura, kaisipan, at  kaugalian ang matatagpuan sa iba’t ibang panig nito, kasama na sa mga pagkakaiba ang wika kung saan mayroon tayong walong pangunahing mga dialekto: Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Ilocano, Kapampangan, Pangasinan, Tagalog at Waray. Ngunit ang dialekto sa Pilipinas ay hindi lamang walo kundi umaabot ng hanggang isang daan at pitungput lima.

    Upang magkaintindihan ang mga Pilipino sa kanilang sariling bansa, napagdesisyonan ni pangulong Manuel Quezon na gumawa ng isang pangunahing wika na magbubuklod sa iba’t ibang dialekto na nabanggit. At ito na nga ang wikang Tagalog. Nilalayon nitong mapagkaisa ang mga mamamayang Pilipino, dahil sa pagkakaisa makakamit ang pagunlad

           

MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN

     Paano kung ang iyong mundong ginagalawan ay madilim? Paano kung puro luntian? Iyong tipong sa bawat pagbaling ng ulo mo ay iisang kapaligiran lang ang nakikita mo? Paano naman kaya kung iba-iba ang kulay? Iyong pagkakataon na sa bawat galaw ng mga mata mo tila ba hindi mo maintindihan ang mga bagay-bagay sa kung anong nakikita nito. Hindi ba’t nakakasawa o maaaring sabihin na hindi ito maganda sa ating katauhan? Kung kaya naman kinakailangan ng isang bagay na magbabalanse rito. Buhat dito, tulad ng mga dayalektong mapapakinggan sa Pilipinas, kailangan ng isang wika na kung saan magiging taga-pagbalanse o magiging ordinaryo para sa lahat – ang wikang tagalog.


“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala.”  Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. 

       Kung wala ang wika, ano nga ba ang saysay ng buhay? Siguro marahil ya kayo mismo ay hindi lumubos maisip ang mangyayari sa ating kung wala ang wika? Hindi bat ang galing wika? Nagagawa nitong pag salitain ang pipe sa pamamagitan ng mga galaw ng katawan. Nagagawa nitong makakita ang bulag sa pamamagitan ng kanyang pandama at pandinig. At lalong nakamanghang malaman na ang bingi’y yakang makipag talastasan sa mga simbolong nakikita ng mga mata nito.

       DAYALEKTONG BUKOD-BUKOD, PINAG-ISA NG WIKANG TAGALOG. Isang simpleng linya na tila sadyang may makabuluhang nais iparating sa atin. Alinsunod dito, tunay nga namang kay sarap pakinggan at kay gandang makita na ang bawat mamamayan ay nagkakaunawaan hindi lamang dahil sa medyum ng pakikipagkomunikasyon kundi dulot na rin ng wikang ginagamit. Kung kaya naman, nararapat lamang na pag-ibayuhin o pagyamanin ang wikang ating kinalakihan o kinasanayan dahil may posibilidad na ito ay maglaho na lamang ng parang bula. Kaugnay ng mga nabanggit sa itaas na bahagi ng papel, ang wikang tagalog ay masasabing regalo – regalong nagsisilbing tali na siyang nagbubuklod sa hiwa-hiwalay na bahagi ng heograpiya ng bansang Pilipinas. Dagdag dito, ang bagay na yaon ang nagpapa-alaala sa mga tao na tayong lahat ay iisa lingid sa iba’t ibang kultura, paniniwala at relihiyon na mayroon ang bawat lugar o katutubo. Ganunpaman, wikang tagalog, ito ang isa sa mga bagay o katangian na hindi mo maipagkakailang may dugong Pilipino ka.

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN


      Isipin nyo na lamang kung wala tayong iisang wika, at napasyal kayo sa ibang rehiyon dito sa pilipinas, paano na lamang kayo makikipagugnayan o makikipagusap sa mga tao roon kung hindi tayo magkakaintindihan dahil sa pagkakaiba ng kanilang  salita o wika. Lumalabas na tayo ay isang dayuhan sa sarili nating bansa, isang hindi magandang pangitain. Kamiy isang Pinoy sa puso’t diwa’y pinoy. Pinoy na isinilang sa ating bansa, kamiy hindi sanay sa wikang banyaga kamiy Pinoy na mayroong sariling wika” Hango sa linya ng isang awitin na nagbibigay alab sa damdamin natin upang bumangon ang ating pagkapilipino. Ang awiting magpasahanggang ngayon ay nakakintal pa rin sa ating mga gunita. Nais ipahiwatig ng awiting ito na tayong mga Pilipino ay may wika na binhi at nabuhay patak ng pawis at dugo na inalay ng ating mga bayani at dakilang tao na nagging parte ng pagtataguyod ng isang moog na bansa. Ngunit ang tanong na naglalaro sa isipin ng karamihan sa mga kapwa namin Pilipino ay tayoy isang bansa, subalit tayoy gumagamit ng maraming wika na may ibat ibang kahulugan na nagmula sa ibat ibang lugar, pano ang pagkakabuklod kung walang iisang wika na magbubuklod sa lahat? Kaya ito kadahilanan kung bakit namin napili ang paksa.

       Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nangangahulugang nagkakaisa ang mga mamamayan at nagkakaintindihan ang lahat para sa iisang hangarin. Dahil kung hindi pinahalagahan noon na magkaroon ng pambansang wika ay hindi magkakaintindihan at magulo ang pakikipag-komunikasyon at talastasan. Hindi magiging maayos ang buhay kung iba’t-ibang wikang etniko ang dapat nating kabisaduhin. Kaya noon, pinahalagahan ni dating Pangulong Manuel Quezon na magkaroon ng iisang lengwahe upang magkaisa at maipakita sa buong mundo na kung may iisang wika na ginagamit ang isang bansa, nagkakaisa sa iisang hangarin ang mga tao nito. Kaya itinanghal nating ‘Ama ng wikang Pambansa’ si Quezon dahil sa kanyang natatanging limbag sa wika’t panitikan. Ang araling ito ay naglalayong ipabatid sa lahat ng kabataan mula sa ibat ibang dako ng bansa na wikang Taglog ay ang wika na dapat maitatak at mapag-aralan ng bawat Pilipino at dapat nila malaman ang kahalagahan nito. Dito nagsisimula ang pambansang mithiin na magkabuklod ang lahat tungo sa minimithing pangarap na pag-unlad.
    Ang grupo ay naglalayong makapagbigay-kaalaman ukol sa paksang ito DAYALEKTONG BUKOD BUKOD PINAG ISA NG WIKANG TAGALONG. Ang layunin ng adbokasiyang aming nagawa ay mapag isa ang wika ng ibat ibang lugar na may ibat ibang dayalekto. Ang layunin naming ay para mas mag karoon ng pagkakaintindihan sa ibat ibang lengawahe na may roon ibat ibang bansa sa pamamagitan ng adbokasiyang ito magkaroon ng mas mayabong na kaunawaan ng bawat isa. Ang layunin naming ay mas maunawaan ng ibat ibang lugar ang kahalagahan at importansya ng may iisang wika. Ang layunin naming ay mas maipahayag sa ibat ibang lugar ang kahalagahan ng may iisang wikang tinatangkilik na mas maipaunawa sa ibang lahi na kapag nawala ang wikang tagalong mas mahihirapan silang kumonekta at makipag komunikasyon sa lahat.
   Mararami ang mabuting epekto ng wika sa ating sariling bansa. Nang simulan tayo sakupin ay binigyan nila tayo ng mabubuting bagay gaya ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, pagdami ng populasyon sa bansa at magandang pakikitungo sa kultura . Kilala tayong mga pinoy sa pagiging hospitable at madasalin. Simula nang pumanaw ang ating mga bayani ay nagpatuloy pa rin tayo ipalaganap ang ating wika  dahil hindi tayo sumusuko sa ating sariling wika. Ang ating bansa ay may mararaming wika , kaya ginagawa natin ang ating makakaya upang maipagpatuloy ang ating wika dahil hindi lang natin ito pinapalaganap kundi ipinagdidiriwang din natin ito. Madalas sa paaralan nagaganap ang Buwan Ng Wika tuwing agosto dahil ang ibig sabihin nito ay hindi natin hinahayaan ang ating wika sapagkat dito tayo kilala bilang isang tunay na pilipino.





DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA

 

                        

 

                                        

 

     PILIPINAS? Isang maliit na bansa ngunit binubuo ng pitumpung libo, isandaan at pitong pulo. Isang bansa na may napakaraming diyalekto ngunit sa napakaraming pagkakataon napatunayan natin sa buong mundo na bagamat ganito ang sitwasyon ng bansang Pilipinas, nakukuha ng mga Pilipino na magkaisa. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang bansang Pilipinas ay nakaukit sa listahan ng kasaysayan ng mundo at kilala ang lahing Pilipino sa pagiging matapang at lahing hindi sumusuko sa kahit anumang laban.

 

 

    Ito ay nakakatulong upang mapaayos ang takbo ng lipunan at ang pagkakaunawaan sa mga mamamayan. Ito ay susi ng pagkakaisa. Ito ang daan sa mas mapayapa at mas maunlad na pamumuhay ng mga Pilipino. Binibigyang daan nito ang pagkakaintindihan na umusbong sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga paniniwala at kultura natin. Tunay nga na kayganda ng wikang Filipino.Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ang ating wika ay sumisimbolo ng isang bansang matatag at nagkakaisa dahil kung hindi magkaintindihan ang bawat mamamayan nito dahil sa mga pansariling wika, hindi uunlad ang ating bayan at patuloy pa rin sa paglayo ang inaasam nating pagbabago. Kung may iisang wika, magkakaintindihan ang lahat at magkakaroon ng iisang hangarin at ito ay bumangon mula sa mga pinagdaanang problema. Ang pagunlad ay makakamit sa tulong ng wika. Marami mang wika ang ating bansa mas higit tayong pagbubukludin at pag-iisahin nito tungo sa pagkakaroon ng matatag na bansa.

 

Sa adbokasiyang ito hangad naming malaman ng mga kabataan na napakahalaga ng wikang tagalong kailangan nating pahalagahan at wastong gamitin an gating wika. Upang maibahagi ito una gagawa kami ng survey para malaman naming na kahit meron tayong dayalektong bukod bukod nag kakaintindihan parin tayo gamit ang wikang tagalog. Ang pangalawa ay gagawa kami diksyunaryo na nag lalaman ng mga salitang pareho ng baybay ngunit magkaiba ng kahulugan at ang pangatlo gagawa kami ng blog sa tumbler upang malaman ng mga mamayanan ang kahalagahan ng wikang tagalong kahit meron tayong ibat ibang dayalekto nag kakaisa parrin tayo.

 

 

Halimbawa ng mga salitang magkakapareho ng baybay ngunit magkakaiba ng kahulugan:

aba--pandamdam-interjection 
aba-- poor 

ako-- I 
ako-- guarantee 

araw-- sun 
araw-- day 

baba-- chin 
baba-- go down 

bakal-- iron 
bakal-- to plant ice 

bakas-- financial partnership 
bakas-- financial prints 

baga-- lungs 
baga-- ember 

bala-- ammunition 
bala--threat 

balita-- news 
balita-- known(magkaisa ng bigkas) 

balot-- wrapping 
balot-- preserved egg 

bao-- coconut shell 
bao-- widow(magkaisa ng bigkas) 

bara-- measure 
bara-- obstruction 

basa-- wet 
basa-- read 

bata-- gown 
bata-- child 

bataw-- kind of bean 
bataw-- partial 

bilog-- circle 
bilog-- round 

bukas-- open 
bukas-- tomorrow 

buko-- buds 
buko-- joints 

buhay-- life 
buhay-- alive,living 

bull-- polish 
bull-- purl 

bulo--hairs 
bulo-- a young carabao 

busog-- arrow 
busog-- satisfied 

butas-- hole 
butas-- perforated 

buto-- bone 
buto-- seed 

kasama-- companion 
kasama-- tenant 

kati-- lowtide 
kati-- itchiness 
kati-- test the durability of the egg shell 

kaya-- ability,weal 
kaya-- for this reason, that is why 

kayo-- fabric 
kayo-- you 

kiling-- inclination 
kiling-- inclined, titled 

kita-- seen 
kita-- salary,wages (magkaisa ng bigkas) 
kita-- you and i 

kusot-- shaving 
kusot-- crumpled 

daing-- fish sliced open,salted and dried 
daing-- supplication 

gabi-- edible tuber 
gabi-- night,evening 

gala-- stroll 
gala-- wanderer,rover 

galang-- respect 
galang-- bracelet 

galing-- came from 
galing-- exellence 

galit-- anger 
galit-- angry 

gamit-- use, utility 
gamit-- used, second hand 

gulat-- fright,shock 
gulat-- frightened 

gulong-- roll about 
gulong-- wheel 

gutom-- hungry 
gutom-- hunger 

haba-- length 
haba-- lengthened 

hamon-- challenge 
hamon-- hamon 

hapon-- afternoon 
hapon-- japan 

hull-- captive 
hull-- late 

labi-- remnant 
labi-- lips 

ligaw-- suitor 
ligaw-- stray 

pasa-- go 
pasa-- bruises 

pato-- goose 
pato-- a kind of game 

pito-- whistle 
pito-- seven 

pula-- red 
pula-- bad reputation 

puno-- trunk 
puno-- full 

puti-- white 
puti-- cut off 

putol-- a piece 
putol-- cut off 

sakit-- pain 
sakit-- suffering 

saya-- skirt 
saya-- happiness 

subo-- mouthful 
subo-- boiling(as of rice) 

suso-- snail 
suso-- breast 

tayo-- we 
tayo-- stand 

tubo-- chimney 
tubo-- gain 

tuloy-- transient 
tuloy-- will be held 

uhaw-- thirst 
uhaw-- thirsty 

upo-- white squash 
upo-- sit down

 

BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA

    Lingid sa kaalaman ng nakararami, ang pambansang wika ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nagkakabuklod-buklod ang mga pulo-pulong lugar ng mga bansa partikular ang Pilipinas. Alinsunod dito, ang isang bansang may iisang wika ay nangangahulugang may isang matibay na tali na siyang nag-uugnay sa mga mamamayan nito na tila siya ring nagpapaalaala ng konsepto ng pagkakapantay-pantay at pagkakaisa. Ganunpaman, sa bawat paglipas ng mga araw, maraming mga lenggwahe ang naglalabasan na kalauna’y nagiging dahilan ng pagkalimot ng nakagisnang wika.

  Kaugnay ng nailahad sa ibang bahagi ng pag-aaral na ito, layunin ng pambansang wika TAGALOG  – na pag-isahin ang mga lenggwaheng mapakikinggan sa loob ng bansa upang sa ganoon ay mapadali nito ang midyum ng komunikasyon na makakatulong sa mga mamamayan na lubos na maunawaan o maayos na makipagtalastasan sa kapwa Pilipino

          Kaugnay ng nailahad sa ibang bahagi ng pag-aaral na ito, layunin ng pambansang wika – Filipino – na pag-isahin ang mga lenggwaheng mapakikinggan sa loob ng bansa upang sa ganoon ay mapadali nito ang midyum ng komunikasyon na makakatulong sa mga mamamayan na lubos na maunawaan o maayos na makipagtalastasan sa kapwa Pilipino.

          Dagdag pa rito, ang pambansang wika ay nagsasaad ng simbolo ng pagiging malaya ng bansang Pilipinas sa kamay ng mga dayuhan. Dahil sa wikang Filipino, mapagtatanto na ang mga Pilipino ay may sariling kultura at paniniwala na hindi katulad ng sa iba. Samakatuwid, ang pagiging simbolo ng wikang Filipino ay nagpapakita na sadyang ang bawat bansa ay may kanya-kanyang kasaysayan na sila lang ang nakauunawa nito.

          Kabila ng iba’t ibang dayalektong lumalago sa Pilipinas, ang paggamit ng wikang Filipino ay hindi nangangahulugan na ipinagbabawal sa mga katutubong Pilipino o sa mga tribong makikita sa iba’t ibang bahagi ng bansang Pilipinas ang paggamit na kanilang naturang mga lenggwahe. Sa kabilang banda, ang mithiin ng paggamit ng wikang Filipino ay upang magkaroon ng iisang wika na magkakaunawaan ang lahat ng taong nasasakupan ng bansa sa isyu ng komunikasyon.

          Sa kabila ng mga nagsusulputang makabagong teknolohiya, ang wika ay nagbabago-bago rin kung kaya’t maraming mga naglalabasang lenggwahe o hindi kaya naman ay mga dayalektong buhat sa iba’t ibang katutubo ang kalimita’y nakakaapekto sa pakikipagkomunikasyon ng mga tao. Ganunpaman, tanging wika rin ang makakapagbigay lunas sa problemang ito. Kaugnay nito, ang wikang ito ang siyang magbibigay ng pamantayan sa kung paano makikipagtalastasan ang iba o kung sa madaling salita ay siya ang simbolo o midyum ng komunikasyon na gagamitin sa araw-araw ng mga aktibidades ng mga tao. Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, ang pambansang wika – ang wikang Filipino – ang nag-iisang bagay na makagagawa nito.

 

 


    
 REFERENCES: